Sunday, June 28, 2015

REPUBLIKA NATIN: BOTANTE KA NA BA?


Nakarehistro ka na ba sa COMELEC ng inyoung bayan? Kung hindi pa nandito ang ilang mga dapat tandaan:

Pumunta sa pinakamalapit na Munsipyo o COMELEC Office;
Kung ikaw ay edad 18 o bagong botante(hindi pa narerehistro mula nung pinanganak) kailangan mo magdala ng Birth Certificate o ID na nagpapatunay na ikaw ay naninirahan sa inyong baranggay at nagpapatunay ng iyong tamang edad.
Himingi ng PUTI na registration form laging tingnan ito ay tatlong kopya, sulatan ang mga dapat sulatan gaya ng pangalan, addrees, Birthday, atbp. Ipasa sa Election Officer o Election Assitant para tingnan kung ayos na o may kulang pa at wag kakalimutan magpakuha ng BIOMETRICS.



Kung ikaw naman ay lilipat ng rehistro magdala ng Valid ID na nagpapatunay ng iyong bagong address.
Humingi ng kulay BERDE na Registration Form laging tingnan ito ay tatlong piraso at ito ay kabilaan, sulatan ang mga dapat sulatan gaya ng pangalan, addrees, Birthday, atbp. Ang likuran naman ng iyong papel ay doon mo isusulat ang dati mong address.Ipasa sa Election Officer o Election Assitant para tingnan kung ayos na o may kulang pa at wag kakalimutan magpakuha ng BIOMETRICS kung ikaw ay galing sa ibang bayan.


Kung ikaw naman ay magpapalit ng apelido(para sa babae) o magpapalit ng Civil Status o magpapatama ng mga maling nakalagay sa'yong Voter's ID. Kailangan magdala ng Marriage Contract o Birth Certificate(NSO Copy) o CeNoMar(Para sa mga married to single). Humingi ng kulay ASUL na Registration Form laging tingnan ito ay tatlong kopya at ito ay kabilaan, sulatan ang mga dapat sulatan gaya ng pangalan, addrees, Birthday, atbp. Ang likuran naman ng iyong papel ay doon mo isusulat ang papalitan at ang ipinalit na detalye ng iyong rehistro.(Hindi kabilang dito ang pagpapatama ng address.)Ipasa sa Election Officer o Election Assitant para tingnan kung ayos na o may kulang pa.


Kung ikaw naman ay Deactivated na o hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na eleksyon. Kailangan mo lang magdala ng Valid ID na magpapatunay na ikaw nga ang kailangan i-Reactivate. Humingi ng kulay DILAW na registration form laging tingnan ito ay tatlong piraso at ito ay kabilaan, sulatan ang mga dapat sulatan gaya ng pangalan, addrees, Birthday, atbp. Ang likuran naman ng iyong papel ay doon mo ilalagay kung bakit ka nawala sa listahan.(Checkan lang ang nararapat na check box)
     

kung ikaw naman ay walang litrato o BIOMETRICS sa iyong rehistro kailangan mo magdala ng Valid ID para patunay na ikaw nga yung walang BIOMETRICS. Humingi ng Form na para sa Validation at sulatan ang mga dapat sulatan gaya ng pangalan, addrees, Birthday, atbp.Ipasa sa Election Officer o Election Assitant para tingnan kung ayos na o may kulang pa at wag kakalimutan mag pakuha ng BIOMETRICS.


LISTAHAN NG VALID ID.

COMPANY ID
SSS/GSIS ID
POSTAL ID
any GOVERNMENT ID
SCHOOL ID
NBI CLEARANCE(in past 6 months or more)
PRC ID
DRIVER LICENCE

WAG KAKALIMUTANG MAGPAKUHA NG BIOMETRICS DAHIL ANG WALANG BIOMETRICS AY HINDI NA MAKAKABOTO SA DARATING NA ELEKSYON 2016.
WALANG BAYAD ANG PAGPAPAREHISTRO. PERSONAL APPEARANCE ANG KAILANGAN. HANGGANG OCTOBER 31, 2015 LANG ANG REHISTUHAN. BAWAL ANG FIXER

IBOTO ANG KARAPAT DAPAT. BAWAT BOTO AY MAHALAGA!

No comments:

Post a Comment